Objectives
- Ilantad ang mga iba’t ibang baryasyon ng wikang Filipino.
Varayti ng Wikang Filipino
- Yunibersal Linggwa Franka: Ito ang wikang sinasalita o ginagamit ng higit na nakararaming tao sa daigdig
- Pambansang Linggwa Franka: Ito ang wikang ginagamit sa isang bansa.
- Purong Tagalog: Lumilikha ng mga salita sa halip na manghiram
Halimbawa: salipawpaw (eroplano), buntala (mundo)- Taglish: nanghihiram sa wikang Ingles ngunit nangingibabaw ang wikang Tagalog.
- Engalog: nanghihiram sa wikang Tagalog ngunit nangingibabaw ang wikang Ingles.
- Bertanglish: pinagsama-samang wikang bernakular, wikang Tagalog, at wikang Ingles.
- Rehiyonal na Linggwa Franka: wikang karaniwang sinasalita sa isang rehiyon.
- Dayalek: uri ng wikang sinasalita sa isang tiyak na lokasyon.
- Rehiyonal na Dayalek: wikang ginagamit sa isang lugar sa loob ng maraming taon
Nagkakaroon ng mga pagbabago sa bigkas, anyo ng salita, at sintaks.
- Rehiyonal na Dayalek: wikang ginagamit sa isang lugar sa loob ng maraming taon
- Purong Tagalog: Lumilikha ng mga salita sa halip na manghiram
- Sosyolek: pagkakaiba ng paggamit ng wika base sa antas ng pamumuhay o uri ng grupo ng mga nagsasalita
- Register na Wika: wikang ginagamit ng isang grupo ng tao na espesyalisado lamang sa isang grupo ng pangkat.
- Idyolek: nakasanayang pamamaraan o estilo sa pagsasalita ng isang tao o isang grupo ng tao
- Jargon: tumutukoy sa mga taning bokabularyo ng isang partikular na pangkat o gawain.
- Balbal: mga salitang nabuo upang hindi maintindihan ng hindi nila kauri ang pananalita nang sa gayon maitago ang mensahe sa ibang taong nakikinig:
- Halimbawa nito ay ang gaylingo/bekimon/swardspeak at jejemon.
- Ekolek: isang baryasyon ng wikang natututuhan mula sa bahay.