Objectives

  • Tukuyin ang iba’t ibang gamit ng wika ayon kay Jakobson at Halliday

Mga Gamit ng Wika ayon kay Jakobson

Roman Jakobson

  • Isa siyang kilalang lingguwista/dalubwika noong ika-20 siglo.
  • Siya ang nagtatag ng lingguistic circle ng New York.
  • Kilala sa kaniyang libro na Function of Languages
  • Siya ang nagsabi na may anim na paraan ng pagbabahagi ng wika

Anim na Paraan ng Paggamit ng Wika

  • Bilang Sanggunian (Referential)
    • Ginagamit ang wika sa pagbabahagi ng impormasyon, kaalaman, o katangian.
    • Karaniwang ginagamit sa mga aklat o sanggunian.
  • Pagpapahayag ng Damdamin (Emotive)
    • Ginagamit ang wika sa pagbabahagi ng emosyon, damdamin, o saloobin
  • Panghihikayat (Conative)
    • Ginagamit ang wika upang makaimpluwentsiya o makahikayat sa iba na gawin o sundin ang isang bagay.
    • Karaniwang ginagamit sa pag-uutos o pakiusap
  • Pagsisimula ng Pakikipag-uganyan (Phatic)
    • Ginagamit ang wika upang makipagugnayan o makapagsimula ng usapan.
  • Paggamit ng Kuro-kuro (Metalingual)
    • Ginagamit ang wika upang magbahagi ng opinyon, pananaw, o suhestiyon.
    • Maaring gamitin sa mga pormal o seryosong usapin o isyu.
  • Patalinhaga (Poetic)
    • Ginagamit ang wika para sa malikhaing pagpapahayag.
    • Maaring ginagamit sa mga prosa, tula, atbp.

Mga Gamit ng Wika ayon kay Max Halliday

Max Halliday

  • isang kilalang lingguwista

  • kilala sa kaniyang systematic functional linguistics.

  • nagsabi na may 7 paraan ng paggamit ng wika

  • Interaksyunal

    • wikang ginagamit sa pagsisimula ng usapan at sa pagbuo ng personal na koneksyon sa iba.
  • Instrumental

    • wikang ginagamit upang mapunan ang sariling pangangailangan/nais ng tao.
    • karaniwang ginagamit sa pag-uutos/pakiusap
    • gumagamit ng mga salitang paki- o maari bang…
  • Regulatori

    • wikang gimagamit upang maimpluwensiyahan/makontrol ang kilos ng ibang tao
    • karaniwang ginagamit sa mga babala, paalala, o gabay.
  • Personal

    • wikang ginagamit sa pagpapahayag ng kanilang damdamin, opinyon, o sarili.
    • ito ay ang estilo ng paggamit ng wikang ito sa isang sitwasyon.
  • Imahinatibo

    • wikang ginamit sa masining o matalinhagang paraan.
    • ginagamit sa pagpapahayag ng sariling kaisipan o imahinasyon.
  • Heuristik

    • wikang ginagamit upang tumuklas o matuto ng kaalaman.
    • karamihang ginagamit kapag mayroon tayong gustong alamin.
  • Impormatibo

    • wikang ginagamit sa pagpapalitan ng kaalaman
    • tumutukoy sa pagbibigay ng impormasyon sa ibang tao