Panahon ng Pagsasarili
| Petsa | Batas/Kautusan | Nagpatupad | Deskripsyon |
|---|---|---|---|
| 1937, Disyembre 13 | Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 | Pangulong Manuel L. Quezon | Naging opisyal na wika ng Pilipinas ang wikang Tagalog |
| 1940 | Sinimulang ituro ang wikang Tagalog sa buong kapuluan | ||
| 1941-1946 | Ikalawang Digmaang Pandaigdig | ||
| 1946, Hulyo 4 | Batas Komonwelt Blg. 570 | Ideneklara na ang Wikang Tagalog nilang opisyal na wikang pambansa ng Pilipinas | |
| 1954, Marso 26 | Proklamasyon Blg. 12 | Pang. Ramon Magsaysay | Itinalagang Linggo ng Wika tuwing 29 Marso hanggang 7 Abril bilang parangal sa kaarawan ni Gat. Francisco Balagtas |
| 1955, Setyembre 23 | Proklamasyon Blg. 186 | Binago ang selebrasyon ng Linggo ng Wika tuwing 13 Agosto hanggang 19 Agosto bilang pagpugay sa kaarawan ng dating Pangulong Manuel L. Quezon | |
| 1956, Pebrero | Sirkular Blg. 21 | Direktor ng Paaralang Bayan, Gregorio Hernandez, Jr. | Nirebisa ang salin ng Panatang Makabayan at ang pagpapaturo ng awit ng Lupang Hinirang sa mga paaralan. |
| 1959, Agosto 13 | Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 | Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, Jose Romero | Dahil hindi madali ang pagtanggap sa Tagalog bilang wikang pambansa ay tinawag itong Pilipino sa paniniwalang mag magiging katanggap-tanggap ito sa bago nitong pangalan. |
| 1962, Nobyembre | Pangulong Diosdado Macapagal | Pagsasa-Filipino ng mga sertipiko at diploma | |
| 1967, Oktubre 24 | Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 | Pangulong Ferdinand E. Marcos | Pagsasa-Filipino ng pangalan ng lahat ng gusali, edipsiyo, at tanggapan ng pamahalaan |
| 1968 | Kalihim Tagapagpaganap, Rafael Salas | Isang memorandum na nag-uutos na lahat ng mga pamuhatan ng mga kagawaran, tanggapan, at sangay ng pamahalaan ay dapat nakalimbag sa Filipino. Lahat ng pormularyo ng Panunumpa sa Tungkulin ng mga kawani ng pamahalaan ay gagawin sa Filipino | |
| 1968 | Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 | Nagsasabi na Filipino ang dapat gamitin sa lahat ng komunikasyon, transaksiyon, at korespondensiya ng lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan, at iba pang sangay ng pamahalaan | |
| 1969, Agosto 7 | Inatasan na ang lahat ng kawani ng pamahalaan na dumalo sa isang seminar na gagawin ng Surian ng Wikang Pambansa sa hangaring mapahusayang kalagayan ng wikang pambansa | ||
| 1970, Agosto 17 | Memorandum Sirkular Blg. 384 | Inatasan na ang lahat ng Korporasyong Kontrolado at Pagmamay-ari ng Pamahalaan na tangkilikin ang Wikang Pambansa |
Mga Hamong Legal Laban sa Wikang Pambansa
| Petsa | Batas/Kautusan/Kaso | Nagpatupad | Deskripsyon |
|---|---|---|---|
| 1969, Setyembre 1 | Kaso Sibil Blg. 77548 | Madyaas-Pro Hiligaynon Society v. Surian ng Wikang Pambansa | Paghahabla laban sa Surian ng Wikang Pambansa dahil sa mga polisiyang pangwika na labag sa Saligang Batas ng 1935 |
| 1970 | Resolusyon Blg. 70 | Pambansang Lupon ng Edukasyon | Itinatag ang Pilipino bilang wikang panturo sa antas elementarya. |
| 1970 | Resolusyon Blg. 73-77 | Pambansang Lupon ng Edukasyon | Isasama ang Ingles at Filipino sa curriculum mula unang hakbang ng mababang paaralan hanggang kolehiyo |
| 1971, Marso | Kautusan Blg. 304 | Pangulong Ferdinand E. Marcos | Nagbigay ng kalayaan sa Surian ng Wikang Pambansa na magampanan ang kanilang mandato. |
| 1971, Hulyo | Memorandum Sirkular Blg. 488 | Pangulong Ferdinand E. Marcos | Nag-aatas sa lahat ng ahensiya ng gobyerno na ipagdiwang ang Linggo ng Wika. |
| 1972 | Saligang Batas ng 1972 | Pangulong Ferdinand E. Marcos | Taong binalangkas ang Saligang Batas ng 1972 na isinaalang-alang ang sosyo-politikal na konteksto upang matuldukan ang hidwaan ng mga Tagalog at ‘di Tagalog sa usaping pangwika. |
| 1973, Enero 15 | Kautusang Panlahat Blg. 17 | Sa ilalim ng plebesitong ito, naging kauna-unahang saligang batas na inilimbag sa Filipino ang Saligang Batas ng 1972 | |
| 1973, Mayo 17 | Pormal na naging opisyal na wika ang Filipino nang tanggapin ito ng dating Kalihim ng Kagawaran ng Katarungan Kgg. Jose Abad Santos | ||
| 1978, Hulyo 21 | Kautusan Pangmistri Blg. 22 | Iniutos ng pagkakaroon ng anim na yunit ng Filipino sa lahat ng kurso sa antas tersiyaryo at labindalawang yunit sa mga kursong pang-edukasyon. | |
| 1979 | Kagawaran ng Edukasyon | Pagkakaroon ng Filipino sa kurikulum ng mga estudyanteng nag-aaral ng medisina, dentista, abogasya, at iba pang graduate courses | |
| 1998 | Kaso Sibil Blg. CEB-8988 | Lalawigan ng Cebu v. Kagawaran ng Edukasyon | Paghahabla laban sa Kagawaran ng Edukasyon sa paggamit ng Filipino bilang wikang panturo. |
| 1998, Agosto 17 | Kautusang Panlungsod Blg. 898 | Lalawigan ng Cebu | Bilang protesta ng Cebu sa pagsasawalang-bisa ng kaso laban sa Wikang Pambansa |
Panahong Kasalukuyan
| Petsa | Batas/Kautusan/Kaso | Nagpatupad | Deskripsyon |
|---|---|---|---|
| 1987 | Saligang Batas ng 1987 (Aquino Constitution) | Pangulong Corazon Aquino | Ang mga probisyon sa Artikulo XIV, Seksiyon 6 at 7 ay nagtatakda ng wikang pambansa at mga opisyal na wika sa Pilipinas. Itinatadhana ng Seksiyon 6 na ang wikang pambansa ay Filipino at dapat itong payabungin batay sa umiiral na mga wika. Sa Seksiyon 7, tinutukoy na ang Filipino at Ingles ang mga wikang opisyal para sa komunikasyon at pagtuturo, at ang mga wikang panrehiyon ay may pantulong na papel sa mga rehiyon. |
| 1987 | DECS Order Blg. 52 | Department of Education, Culture and Sports (DECS) | Nagpatupad ng modipikasyon sa implementasyon ng edukasyong bilingguwal sa bansa. |
| 1993 | Congressional Commission on Education (EDCOM) | Unang lumabas ang EDCOM Report | |
| Disyembre 1996 | CHED Memorandum Sirkular Blg. 59 | Commission on Higher Education (CHED) | Nag-aatas ng pagsasama ng siyam (9) na yunit ng Filipino sa mga kurikulum ng kolehiyo at pamantasan. |
| 1997 | Proklamasyon Blg. 1041 | Pangulong Fidel V. Ramos | Nagbago ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika tungong Buwan ng Wika, na nagbigay ng mga tagubilin para sa mga paaralan at tanggapan ng gobyerno. |
| 1999 | Lumahok ang Pilipinas sa Trends in International Mathematics and Science Survey (TIMSS). Mula sa kabuuang 41 bansa na kalahok ay nasa ika-38 ang Pilipinas sa Matematika habang ika-40 posisyon sa Siyensiya | ||
| 2000 | Presidential Commission on Education Reform | Taon kung kailan lumabas ang PACER Report. Nagbigay-diin sa paggamit ng rehiyonal na linggwa franca (unang wika) sa mga asignatura at ang pangangailangan ng wastong reporma sa polisiyang pangwika. | |
| 2003 | Lumahok ulit ang Pilipinas sa TIMSS kung saan ang Pilipinas ay nasa ika-36 sa Siyensiya at ika-38 sa Matematika | ||
| 1999-2004 | Medium Term Development Plan | Pangulong Gloria Macapagal Arroyo | Dito binigyang-diin ang pagpapalawak sa kasangkapan ng kurikulum sa: paggamit ng angkop na wikang panturopagiging sensitibo sa kasarian, at pagsasakatutubo ng kagamitang panturo upang mas maging angkop sa ibang bahaging Pilipinas na may naiibang pagpapahalaga at kultura. |
| 2006 | Basic Education Sector Reform Agenda (BESRA) | Nagsusulong ng paggamit ng unang wika mula Day Care Center hanggang ika-2 baitang. Dito rin nilinaw na ang Ingles ay ituturo sa mga asignaturang Matematika, Siyensiya, Ingles, at Literatura, at ang Filipino para sa asignaturang MAKABAYAN at Wika at Panitikang Filipino. Nilinaw rin dito ang paggamit ng wikang rehiyonal at wikang Arabic bilang pantulong na wika sa mga ‘di Tagalog at Pilipinong Muslim |
Batas at Kautusan tungkol sa Wikang Pambansa sa Kasalukuyang Panahon
| Petsa | Batas/Kautusan/Kaso | Nagpatupad | Deskripsyon |
|---|---|---|---|
| 2003, Mayo 17 | Kautusang Tagapagpaganap Blg. 210 | Pangulong Gloria Macapagal Arroyo | Bilang polisiya sa edukasyon ng dating pangulo ang pagiging globally competitive ng mga Pilipino ay pormal na ipinanumbalik ang Ingles bilang midyum sa pagtuturo. Dahil dito, marami sa mga paaralan ay naging English Speaking Zone na nagbabawal at nagpapataw ng multa o parusa sa sinumang magsalita ng Filipino Inihabla ng samahang Wika ng Kultura at Agham, Ink. ang Kalihim Tagapagpaganap, Pangulo ng Repubika, at kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon dahil sa nangyaring sistema ng edukasyon sa bansa, na sinasabing paglabag ng Saligang Batas ng 1987, ngunit ang ilan sa mga kasong hinabla ay ipinawalang-bisa ng hukuman sapagkat hindi ito dumaan sa tamang proseso. |
| 2008, Pebrero 27 | House Bill No. 3719 | May-akda ng Batas, Kgg. Magtanggol Guinigundo | Batas na nagbibigay priyoridad sa paggamit ng unang wika bilang gamit sa pagtuturo hanggang sa ika-apat na baitang. Sinuportahan ng Komisyon ng Wikang Filipino ang batas na ito. |
| 2008 | Batas Omnibus sa Reporma sa Edukasyon ng 2008 | Senador Manuel A. Roxas II | Itinaguyod niya sa Senado ang batas na ito na naglalayong gamitin ang unang wika bilang wikang panturo mula una hanggang ika-3 baitang sa lahat ng asignatura. |
| 2009 | Kautusang Pangkagawaran Blg. 74, s. 2009 | Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, Jesli A. Lapus | Batas na nagbigay priyoridad sa paggamit ng unang wika sa sistema ng edukasyon ng bansa, batay sa rekomendasyon ng EDCOM, PACER, BESRA, Medium Term Development Plan, at ang resulta ng partisipasyon ng Pilipinas sa TIMSS noong 1999 at 2003 Sinuportahan ng National Economic Development Authority (NEDA) ang batas na ito na sinabing akma ito sa planong “Edukasyon para sa Lahat”. |
| 2013, Agosto 5 | Kapasiyahan Blg. 13-30 | Komisyon ng Wikang Filipino | Dito napagkasunduan ng kalupunan ng KWF ang pagbibigay-diin sa bagong depinisyon ng Wikang Filipino |
| 2013 | Mother Tongue - Based Multilingual Education (MTB-MLE) bilang bahagi ng pagpasa ng RA 10523 (Enhanced Basic Education Act of 2013) | Pangulong Benigno S. Aquino III | Isang edukasyon, pormal o di-pormal, na gumagamit ng wikang pinakamaiintindihan ng mga mag-aaral, ang unang wika, bilang pundasyon sa sariling wika at sa pagtuturo at pagdaragdag ng iba pang wika, tulad ng Ingles at Filipino |
Suggestions for Timeline Design
- Main Line: Signifies the main timeline
- Icons: Signifies major events in timeline
- Case Icons: For events with cases
- Cause and Effect Lines: Relates different events in time with a cause and effect relationship
Preview
